Thursday, December 6, 2007

RESPETO

ako ay isang tao lamang na may puso't damdamin, ngunit bakit may mga taong hindi ako marunong intindihin at nakukuha pa nila akong saktan sa kabila ng aking malabis na pagmamahal sa kanila. Ako ay isang tao na marunong magpahalaga sa mag taong nakapaligid sa akin. nagmamahal ako ng dahil sa aking pag-aakala ay masusuklian din ako ng tulad ng ibinibigay ko. ngunit bakit ganun? may mga tao ba talaga na sadyang mapanghusga at mapagpabaya? sila ang mga taong walang puso, walang pagpapahalaga, walang paki-alam sa kanyang paligid, walang respeto at higit sa lahat walang pagbibigay importansya sa damdamin ng ibang tao.
sana lamang ang mga taong iyon ay magkaroon man lang sana ng kahit konting pagkilala sa kanyang paligid. isipin sana nila ang lahat ng kanilang bawat hakbangin ng sa gayon ay malaman nila kung nakakasakit ba sila o hindi.

" RESPETO NAMAN OH?!"

No comments: