Friday, October 12, 2007

College Life

College Life daw ang pinakamahirap sa lahat ng stages sa pag-aaral natin. Dito natin natutunan ang mga bagay-bagay na dati ay hindi natin alam. Dito rin natin nahahasa ang atin mga kaisipan upang magawa ang mga bagay na kahit alam nating mahirap eh sa bandang huli ay nagagawa din naman natin.
Dito natin nalalaman kung ang ating mga kakayahan ay pwede nating gamitin kapag tayo ay magtatrabaho na. Ang pag-aaral natin sa College ay isang paraan o maaari ding guide natin upang makamit natin ang ating mga mithiin sa buhay.
College Life ay isa din sa pinakamagandang pangyayari sa aitng buhay, dahil nagiging matured tayo sa lahat ng bagay. Nakakakilala tayo ng iba't-ibang uri ng tao, may professional, may simple at may mga ordinaryong tao lamang. Sa mga ito, nakakahanap din tayo ng taong nagiging inspirasyon natin sa buhay. Kaya kahit ituring natin itong mahirap, meron din namang kasiyahang hatid sa atin.

No comments: